Bakuna, hindi na libre sa susunod na taon

SORSOGON CITY – Maaaring wala ng libreng bakuna sa susunod na taon, ito ang paniniwala ng opisyal ng Provincial Health Office na si Dr Renato Bolo Jr.

Paalala ng opisyal sa mga nagdadalawang isip pa na magpabakuna na at huwag na sanang hintayin pa na dumating ang ganitong sitwasyon.

Muling nanawagan ang opisyal na makiisa na sa vaccination roll-out upang mas maagang maabot ng lalawigan ang herd immunity.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Matatandaan na nagbigay ng pahayag ang Food and Drug Administration (FDA) ang posibilidad na pagbibigay ng full-approval sa mga Covid-19 vaccines sa susunod na taon.

Dahil dito, maaari nang ibenta sa drugstores ang mga ito sa unang kwarter ng taong 2022.

Ayon kay FDA Director General Eric Doming, maliban sa Pfizer, maaaring bigyan din ng full approval for marketing authorization ang iba pang bakuna.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Dagdag pa ni Doming, sa ngayon ay hindi pa nag-aaplay ng full approval ang Pfizer sa bansa subalit aprubado na ito sa Amerika noong Agosto pa.

Sa kasalukuyan, aabot sa 9 na Covid-19 vaccine ang binigyan ng Emergency Use Authority (EUA) ng FDA kabilang na dito ang Pfizer-BioNtech Astrazeneca, Sinovac, Gamaleya Institute, Johnson & Johnson, Bharat Biotech, Moderna, Sinopharm at Novavax.