Vaccine czar – Booster shots para sa mga gov’t workers, A4 group, target

Target ng gobyerno na buksan ang COVID-19 booster shots para sa mga fully vaccinated economic frontliners o ang mga nasa ilalim ng A4 category sa susunod na buwan.

Ayon kay vaccine czar Carlit Galvez Jr, sa oras na tumaas ang 3-day vaccination campaign na sisimulan ngayong araw hangagng December 1, kung saan traget ng pamahaalan na maturok ang tatlong milyong COVID-19 vaccine doses, ay kailangan umano itong sundan agad ng second dose.
Dahil dito, plano ng gobyerno na gawin ang massive roll out sa December 15 hanggang 17.

Dagdag ni Galvez, plano nila na simulan ang karagdagang vaccine doses para sa economic frontline workers sa December 10.

Samantala, target naman nila na matapos ang booster shots para sa mga health workers, matatanda at mga taong may comorbidities, ngayong taon.