7 pang mga bansa, idinagdag ng PH sa red list re: COVID Omicron variant

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang expansion ng travel restrictions ng pito pang mga bansa, hanggang sa December 15 dahil sa pag-usbong ng bagong COVID-19 variant na Omicron.

Kaugnay nito, ang mga bansang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy ang naidagdag sa red list, na naisama mula sa inisyal na mga bansa gaya ng south African nations ng South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Dahil dito, sinabi ni Cabinet Secretary at acting Palace spokesperson Karlo Nograles na ang inbound international travel ng sinuman mula sa naturang red list countries sa loob ng nakalipas na 14 na araw bago ang pagdating sa Pilipinas ay hindi pinapayagan, anuman ang kanilang vaccination status.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Kaugnay nito, tanging ang mga Pilipino na uuwi ng bansa, sa pamamagitan ng government-initiated o non-government-initiated repatriation at Bayanihan Flights ang papayagang makapasok pero subject sa umiiral na entry, testing, at quarantine protocols para sa Red List countries, jurisdictions, o territories.