Sinuspende ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagproseso at pagdeploy sa mga bagong hired na household service workers (HSWs) sa Kingdom of Saudi Arabia.
Ang deployments ay pansamantalang nasuspende dahil sa labor abuse incident na kinasasangkutan ng isang retiradong Saudi general na umano’y nagmaltrato sa ilang overseas Filipino workers.
May iba’t-ibang pangalan rin ng employer na inilagay sa employment contract ng HSW.

Nabatid na si DOLE Secretary Silvestre Bello III ang naglabas ng memorandum na nag-uutos sa Philippine Overseas Labor Offices na pansamantalang itigil ang verification ng mga newly-hired domestic workers.
Samantala, ang mga domestic workers at skilled workers na nagrenew ng kanilang kontrata ay exempted mula sa deployment ban.