Locally grown strawberries maaari nang ma-ani sa Irosin sa hinaharap

SORSOGON CITY – Ibinalita ng pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Irosin, sa lalawigan ng Sorsogon na maaari na itong magkaroon ng sariling ani ng strawberry sa hinaharap.

Ayon sa ulat, susubukang magpalago ang nasabing prutas sa kanilang Irosin Integrated Municipal Nursery (IIMN), kasama ang iba’t-ibang semilya ng mga gulay at mga fruit bearing tress.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Karaniwang sa malalamig na klima lamang nakakapamunga ang nasabing prutas kung kaya’t espeyal at natural na nakabibighani ang strawberry sa karamihan sa mga Pilipino dahil sa matagal na panahon, sa lungsod lamang ng Baguio makakakita at makabibili ng mga ito.

Sikat na panregalo ang mapupulang prutas na ito lalo sa mga nag-iibigan higit pa ngayong papalapit na araw ng mga puso.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Nagagawa din nitong magunita ang magagandang ala-ala habang nagbabakasyon sa nasabing malamig na lugar.

Kasabay nito, iniulat din ng LGU ang iba’t-ibang tulong sa mga magsasaka lalo na sa pagsasaayos ng patubig katulong ang National Irrigation Administration.

Umaasa ang pamunuan na sa pamamahagi ng asistensya ay magiging masigla ang sektor ng agrikultura sa bayan.