CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na hindi pa nararamdaman sa ngayon ang epekto ng La Niña sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ito ang inihayag ni Raymond Ordinario, weather specialist ng Pagasa Daet station sa pakikipag ugnayan ng Brigada News FM Daet.
Ayon kay Ordinario Northeast Monsoon o Amihan ang sanhi ng mga nararanasang pag ulan simula pa noong mga nagdaang araw.
Hindi pa raw kasi gaanong malakas ang La Niña na inaasahang mararanasan sa maraming lugar sa bansa kasama na ang Camarines Norte sa huling bahagi nitong taon o hanggang sa unang quarter ng 2022.
Paliwanag ni Ordinario na ang mga nararanasang pag ulan ngayon ay normal lamang kapag sumasapit ang ganitong amihan season.
May pagkakataon umanong titigil ang pag ulan at pagkatapos ay muling uulan ng may kalakasan.
Simula kaninang umaga ay nakakaranas ng mga pag ulan ang lalawigan at asahan na umano ang ganitong panahon sa maghapon.
Hindi rin umano apektado ngayon ang lalawigan ng namataang Low Pressure Area sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar dahil malayo naman ito.
Wala rin umanong nakabanderang gale warning ngayong araw sa mga karagatang sakop ng probinsiya.
Matatandaan na noong isang linggo ay nag abiso ang Philippine Coast Guard sa mga manginngisda na mag doble ingat ngayong pumasok na amg amihan season dahil sa makalas na alon ng karagatan.
