Umarangkada na ang pagbabakuna ng Covid vaccine sa mga kabataang may edad 12 to 17 yrs old sa bayan ng Apalit.
Katulad sa ibang mga lugar prayoridad sa bibigyan ng bakuna ang mga may comorbidities.
Kaugnay nito hinimok ng Lokal na Pamahalaan ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak bilang proteksyon sa Covid-19.
Samantala, nagpapatuloy rin ang pagbabakuna sa nasabing munisipyo para naman sa mga 18 yrs old pataas na kabilang sa eligible population.
