Vaccination para sa mga A3 priority sa Botolan, Zambales sisimulan na

BOTOLAN-Nakahanada na ang pagbabakuna para sa mga nasa A3 category sa Botolan, Zambales.

Ito ay para sa June 8 schedule ng bakuna na gaganapin sa Polythechnic College Of Botolan para sa mga edad 18 hanggang 59 years old na may mga iniindang karamdaman.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Dahil dito pinayuhan ng Municipal Health Office ang mga pagpapakabuna na mag-presenta ng medical certificate, reseta at iba pang mga hospital records na maaring makita para malaman kung kwalipikado o hindi ang isang pasyente.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Gagawin mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali ang second dose habang ala una ng hapon hanggang alas singko ang first dose para sa 158 slots.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: OneBotolan Magkamiha

May be an image of 1 person, eyeglasses and text