Muling iginiit ni Senator at Committee on Health Chairman Christopher “Bong” ang kanyang apela sa mga Pilipino, partikular na sa mga nasa priority list ng national vaccination program, na magpabakuna na upang maprotektahan laban sa COVID-19 at matulungan ang bansa na makabalik sa normal, sa oras na makamit ang herd immunity.
Ayon kay Go, ang tumataas na bilang ng mga vaccinated individuals sa bansa ay magbibigay daan para sa less restricted mobility at kalauna’y muling pagbubukas ng mas maraming public events, gaya ng basketball games.
“Ako po’y nakikiusap na magtiwala ho kayo sa bakuna. At nakikita ko kanina marami pa pong takot magpabakuna. Nandirito po ako to encourage them na ang bakuna po ang tanging susi o solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa normal nating pamumuhay,” saad ni Go.
“Sabi ko naman eh magtiwala ho kayo na ang bakuna po ang solusyon o susi. Wala naman pong iba sa ngayon. Tingnan niyo po sa ibang bansa, nakakalaro na ho sila ng basketball, nakakapanood na sila ng basketball dahil bakunado po sila,” dagdag ng senador.
Pagbabahagi ni Go, ang full vaccination ay ikinokonsidera na bilang requirement para sa mga indibidwal na makapanood ng basketball games nang live sa ibang mga bansa.
other countries. The Philippine Basketball Association on the other hand is slated to open its 2021 season on July 16 following an approval from the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Sa gitna nito, hinimok ng mambabatas ang gobyerno na madaliin ang deployment ng COVID-19 vaccines sa mga lugar na mas kinakailangan ito.
“Ibig sabihin, ‘pag dumating ‘yung bakuna iturok kaagad, huwag ng patagalin. ‘Pag nasa priority list na po kayo mga kababayan ko. Halimbawa po… kayo po ay frontliners, senior citizens, persons with comorbidities at ito pong mga economic frontliners, and even indigents ‘pag may supply ng bakuna tulad ngayon, puwede na po silang magpabakuna agad,” giit ni Go.
