Palasyo, dumepensa sa delayed second dose ng Sinopharm vaccine ni Duterte

Dumepensa ang Malacañang sa delayed na pagturok sa ikalawang dose ng Sinopharm COVID-19 vaccine kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni presidential spokesman Harry Roque, ang desisyon ay aprubado ng doktor ng pangulo.

Ang tugon ni Roque ay kasunod sa mga pag-usisa kung bakit tinurukan si Duterte ng kanyang second dose ng Sinopharm, mahigit dalawang buwan matapos ang first dose nito, sa kabila na inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang three- to four-week interval.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Matatandaan na nakuha ng pangulo ang kanyang first Sinopharm dose noong Mayo, o halos isang buwan matapos na magbigay ang Philippine Food and Drug Administration ng emergency use authorization (EUA) sa naturang bakuna.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Hindi tulad sa ibang COVID-19 vaccine brands na Pfizer-BioNTech, Astrazeneca, Moderna, Sputnik V, Sinovac, Johnson and Johnson, Novovax, at Bharat Biotech na ang aplikasyon ng EUA ay inihain ng vaccine manufacturers, ang EUA application ng Sinopharm ay inihain ng Department of Health. // MHEL PACIA-TRINIDAD