BICOL—Umabot na sa 65% ng target population sa lalawigan ng Albay ang nabakunahan ng isa hanggang dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Batay sa December 7, 2021 update mula sa Provincial Health Office, pumalo na sa 642,785 ang mga nabakunahan mula sa 987,297 na target.
Nangunguna sa mga ito ang lungsod ng Legazpi na mayroong nang 105% na nabakunahan sa parehong first at second dose. Katumbas ito ng 155,263 na indibidwal mula sa target na 147,743.
Sunod ang lungsod ng Tabaco matapos mabakunahan ng 75% ng target sa parehong first at second dose. Katumbas ito ng 74,988 mula sa 100,507 na target mabakunahan.
Ikatlo ang bayan ng Tiwi na nasa 68% na, lungsod ng Ligao ay nasa 67% at panlima ang bayan ng Polangui at Manito na kapwa nasa 63% na ng target ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Mababatid na kailangang maging fully vaccinated o mabakunahan ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine ang 70% ng populasyon sa isang lugar upang maabot nito ang herd immunity.### | slm