Utang ng Pilipinas lumubo sa P13.52-T noong Setyembre dahil paghina ng piso

Lalo pang lomobo ang utang ng national government ng 3.8 percent sa huling bahagi ng Setyembre, dahil sa pagbagsak ng piso laban sa dolyar.

Ayon sa Bureau of Treasury, ang kabuoang outstanding debt ng bansa ay nasa P13.52 trillion as of September, na P495.54 billion na mataas kumpara sa P13.02 trillion noong Agusto.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Mula naman sa total debt stock, 31.2 percent o P4.22 trillion ay kinuha externally habang 68.6 percent o P9.30 trillion ay domestic borrowings.

Mababatid na as of the end of August, ang palitan ng piso ay nasa P56.171 sa $1 at P58.646 naman noong Setyembre.

Read More:  ICC eyes November 2026 trial for Duterte case

Kaugnay nito, lalo pang bumaba sa record low ang piso sa P59 noong Oktobre, bago lumuwag sa P58 sa mga nakalipas na linggo.