Mga pampublikong eskwelahan sa Camarines Norte isang daang porsiento nang nagpapatupad ng face-to- face classes, shifting ng klase ipinatutupad sa mga may kakulangan sa classroom

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education na isang daang porsiento nang ipinatutupad ang face-to face classes sa mga pampublikong eskwelahan sa Camarines Norte.

Kahapon, November 2 sa pagsisimula ng Quarter 2 ng School Year 2022- 2023 ay pormal nang sinimulan ang in person classes alinsunod sa kautusan ng Central Office.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi Schools Division Superintendent Nympha Guemo na wala nang public schools sa lalawigan na nagpapatupad ng blended learning kahit sa mga eskwelahang mayroong nasirang classroom dahil sa bagyong Paeng.

Aniya limang araw na ang pasok ng mga estudyante sa eskwelahan at nagkakaroon na lang ng shifting kung may kakulangan sa classroom.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Dagdag pa ni Guemo na kailangan nang papasukin ang mga bata sa eskwelahan dahil hindi na kailangan ang parent consent.

Gayunman, pwede pa ring magpatupad ng blended learning kung mayroong “justifiable” reason at kailangang aprubado ito ng Regional Director.

Hindi na umano ito tulad ng dati na optional pa ang face to face classes dahil batay sa kautusan ay obligado na talagang pumasok sa eskwekahan ang mga bata.

“Kailangan mayroong very justifiable reason, a very strong reason kung bakit hindi dapat papasukin sa paaralan ang kanilang mga anak kasi hindi nappo ngayon pwede na hindi papasukin na wala namang rason,” ani Guemo.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Ang mga private schools naman ay maaari pa ring magpatupad ng blended learning.

Wala naman aniyang mga naitalang aberya sa unang araw ng implementasyon ng full face-to-face classes kahapon.

Samantala, tiniyak naman ng Camarines Norte Police Provincial Office ang seguridad sa mga eskwelahan.

Ayon kay PLTCOL Rogelyn Peratero, tagapagsalita ng CNPPO nag- deploy sila ng mga pulis malapit sa mga eskwelahan para masigurong maayos ang pagsisimula ng full implementation ng face-to-face classes