Mahigit 600 kabahayan at ilang public infrastructure  sa bayan ng Mercedes sinira ng bagyong Paeng

CAMARINES NORTE- Aabot sa 600 kabahayan ang sinira ng bagyong Paeng sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office nasa 23 ang totally damaged houses habang nasa 641 naman ang nagtamo ng partial damage.

Anim ang naiulat na totally damage sa Barangay 1, apat sa Colasi, tatlo sa Del Rosario, Cayucyucan at Mambungalon, dalawa sa Manguisoc at tig- isa sa Barangay 7, Gaboc at Quinapagian.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Pinakamarami naman ang naitalang partially damage houses sa Manguisoc na may 149.

Maliban sa mga kabahayaan nasira rin ang ilang mga public infrastructure tulad ng mga covered court, multi- purpose  enters at Barangay Chapel.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Totally damage  ang Multi- Purpose Covered Court ng Barangay 3.

Partially damage naman ang Evacuation Center at Multi- Purpose Center sa naturan pa ding barangay at chapel ng Barangay 4.