Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang acting Secretary ng Department of Trade and Industry si Undersecretary Maria Christina Aldeguer-Roque.
Kasunod ito ng pagbibitiw sa pwesto ni Secretary Alfredo Pascual na epektibo na simula ngayong araw.
Ayon sa Presidential Communications Office, malaki ang ginampanang papel ni Roque sa MSME Development Group ng DTI.
Sya rin ang namahala sa operasyon ng Small Business Corporation at Cooperative Development Authority.
Binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng DTI at ng pagkakaroon ng mahusay na mamumuno rito.
Muli ring nagpasalamat ang Punong Ehekutibo sa mga naging kontribusyon ni Pascual sa DTI.