Mahigit P3 milyong halaga ng yosi, kumpiskado sa Palawan, 10 katao, arestado

Aabot sa P3.5 milyon halaga ng mga sigarilyo ang nasabat mula sa sampung (10) katao habang dinidiskarga sa bangka madaling araw nitong Biyernes, ika-2 ng Agosto sa Sitio Pamulot Brgy. Bantulan, Taytay, Palawan.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ito ay nahuli ng ipinagsanib na pwersa ng Palawan Provincial Intelligence Unit (PIU) at ng Taytay PNP kung saan nakumpiska ang 209 kahon ng sigarilyo na Fort at Berlin.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay walang nakalagay na mga Health Warning Graphics na isang paglabag sa Republic Act 10643 (The Graphic Health Warning Law).

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, hinahanap naman ng mga awtoridad ang isang nakatakas na kinilalang si Noel Artillaga Abcede alyas Owen.