Nasa 352 thousand katao na nakatira sa mga baybaying bgy sa Cavite ang apektado ngayon ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa Bataan.
Ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Cavite – 25, 145 na mga mangingisda ang nawalan ng kabuhayan na may tinatayang pagkawala ng kita kada araw ng halos P18 milyong piso.
Samantala, iniulat naman ng Department of Tourism na mayroong 36 tourism establihments sa Probinsiya ang apektado ngayon ang kabuhayan dahil sa oil spill.
Dahil sa oil spill, ipinag-utos na ng pamahalaang panlalwigan ang No Catch” at “No Sell Zone” sa mga shellfish na nakukuha sa baybayin ng Cavite.