SORSOGON CITY – Pansamantalang isinara muna ang Landbank Sorsogon Branch hanggat hindi natatapos ang contact tracing, swab testing at quarantine ng mga personahe nito.
Nakasaad sa advisory ng naturang bangko na simula Hulyo 12 hanggang 16 nitong taon ay pansamantalang sarado muna sila.
Ang mg account holders ay pinayuhan na magsagawa muna ng transaksyon sa Irosin Branch, Daraga Branch o Legazpi Branch at ito ay ‘free of interbranch charges.’
Upang maihatid pa rin sa mga kliyente ang serbisyong pagbabangko, abelable pa rin ang ATMs at electronic banking channels katulad ng LandBank Mobile Banking App, iAccess, WeAccess, Link BizPortal, Electronic Tax payment System at Phone Access.
Hindi naman binanggit pa ng management ng bangko kung may empleyado silang nagpositibo sa Covid-19 o may empleyado na nakahalubilo ng mga nagpositibo sa nasabing sakit.
Humingi naman ng pang-unawa sa kanilang kliyente ang nasabing bangko.

