US papatawan ng “serious sanction” ang Russia kapag itinuloy ang pananakop sa Ukraine

Nilinaw ni US President Joe Biden na bagamat hangad nilang mangibabaw ang diplomasya sa krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine, handa sila na ipatupad ang “serious sanction” sa Russia kapag itinuloy nito ang pananakop sa Ukraine.

Kabilang aniya dito ang pagpigil nila sa pag-function ng pipeline ng Nord Stream 2.

Ang Nord Stream pipeline ay ang $11 billion undersea pipeline sa pagitan ng Russia at Germany na natapos noong Setyembre ng nakaraang taon na magiging daan sa deliveries ng gas direkta sa dalawang bansa.

Una na itong tinutulan ng US, United Kingdom, Ukraine at iba pang European countries mula nang inanunsyo ito noong 2015 dahil magiging daan anila ito sa pagpapalawak ng impluwensiya ng Russia sa Europa.

Napag-alaman na kayang mag-deliver ng Nord Stream 2 ng 55billion cubic meters ng gas kada taon o katumbas ito ng mahigit 50% ng taunang konsumo ng Germany.

Matatandaan na isa sa major political issue sa Central at Eastern Europe ang “energy” kung saan malaking papel sa power generation ang supplies mula sa Russia