US inaprubahan ang posibleng pagbebenta ng Javelin missiles sa Australia

Inaprubahan ng US State Department ang posibleng foreign military sale ng mga Javelin missiles sa Australia at mga kaugnay na kagamitan sa halagang $60.18 milyon.

Ayon sa Pentagon, ang Australia ay humiling na bumili ng hanggang 255 Javelin FGM-148F missiles.

Read More:  Food Poisoning incidents raise safety concerns over Indonesia’s free meals program

Papasok sa isang Javelin Joint Venture ang prime US contractor sa pagitan ng defense contractors na Lockheed Martin Corp at Raytheon Technologies Corp.

Read More:  Wildfire haze disrupts classes for 1.4 million students across Indonesia

Nabatid na pinalalakas ng Australia ang kanilang depensa sa nakalipas na ilang taon habang pinalalakas ng China ang presensiya nito sa Indo-Pacific region.//CA