Binigyang diin ni US Vice President Kamala Harris na hindi patitinag at hindi matatakot ang Washington sa pag-ooperate sa buong Asya, kabilang na sa Taiwan Strait.
Sa pagharap nito sa tropa ng mga Amerikano sa Japan, inakusahan ni Harris ang China ng pagkakaroon ng “disturbing behavior” sa East China Sea at South China Sea at provocations sa Taiwan Strait.
Kaugnay nito, naniniwala rin umano ang United States na ang peace at stability sa Taiwan Strait ay isang essential feature ng libre at bukas na Indo-Pacific.
Mababatid na inaangkin ng Beijing ang parehong democratic Taiwan at ang karagatan na naghihiwalay sa isla mula sa mainland China na isa sa world’s busiest shipping channels.
Ang United States naman ay matagal nang gumagamit ng “freedom of navigation” passages sa pamamagitan ng Taiwan Strait para itulak ang claim ng Chinese, at maraming Western allies narin ang sumali sa naturang operasyon.
