US FDA staff, inihayag na safe ang Pfizer Covid-19 vaccine sa mga bata

Inihayag ng staff ng Food and Drug Administration (FDA) sa Estados Unidos na safe at effective ang Pfizer-BioNTech’s Covid-19 vaccine sa mga bata edad 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang.

Suportado umano ng kanilang available data ang pagiging epektibo nito kabilang ang 3-dose primary series laban sa naturang sakit.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Base sa datos, 80.3% ang vaccine efficacy sa 10 na symptomatic Covid-19 cases mula sa nasabing mga bata.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Samantala, inaasahan ng administrasyon ni US President Joe Biden na sisimulan ang vaccination sa mga bata kapag naaprubahan ito ng FDA at Centers for Disease Control and Prevention.

(ARGIE ERGINA)