US FDA, binigyan ng full approval ang Pfizer-BioNTech vaccine

Nagdesisyon ang US Food and Drug Administration na bigyan ng full aproval ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer at ng German partner nito na BioNTech SE para sa paggamit nito sa mga tao na higit sa 16-anyos ang edad.

Ito na ang kauna-unahang uri ng approval na naibigay sa isang brand ng COVID-19 vaccine.

Dahil diyan ay umaasa ang public health officials na mas maraming Amerikano ngayon ang magtitiwala na ligtas at epektibo ang Pfizer vaccine.

Unang nabigyan ang nasabing bakuna ng emergency use authorization mula pa noong Disyembre at tinatayang nasa 204-million na katao na mula sa Estados Unidos ang naturukan gamit ng Pfizer vaccine.

Mababatid na tinatayang nasa 51% na ng mga Amerikano ang fully vaccinated base sa huling datos na inilabas ng US authorities.