Magkumareng nagtotong-its, arestado sa Padre Garcia, Batangas

PADRE GARCIA – Arestado ang apat na mga kababaihan matapos na maaktuhan ng mga awtoridad na naglalaro ng Tong-its sa Barangay Poblacion, Padre Garcia, Batangas.

Kinilala ng Padre Garcia Municipal Police Station ang mga nahuli na sina Eden Laylo, 50 anyos; Telma Moster, 51 anyos; Rosalie Rogas, 44 anyos at Reynabel Lambino, 47 anyos.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ayon sa imbestigasyon, noong Linggo, Aug 22, 2021, bandang alas-4:10 ng hapon, nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Narekober sa mga ito ang isang set ng baraha, isang table cloth at halaga ng perang umaabot sa P829.00

Nakadetina na ang mga ito at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o ‘Prescribing Stiffer Penalties On Illegal Gambling’.