Arci Muñoz, nag-road trip ng 11 oras sa U.S.

Ibinahagi ng aktres at singer na si Arci Muñoz ang kaniyang 11-hour road trip sa Estados Unidos gamit ang isang RV o recreational vehicle.

Sinabi ni Muñoz sa kaniyang social media post na nag-drive siya ng 706 miles at nadaanan rin niya ang tatlong states sa kaniyang pagbyahe mula Denver hanggang Arizona.

Sa isa naman video clip ay ipinasilip ni Muñoz ang kusina ng kaniyang RV, at pati na rin ang mga sleeping at dining areas nito kung saan ay nakakasama niya ang kaniyang mga kaibigan.

Matatandaan na nitong buwan lamang ay binisita ni Muñoz si Senator Manny Pacquiao sa Los Angeles, kung saan ay pinapirma ng aktres ang kaniyang boxing gloves sa eight division world champion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *