Binigyan na ng authorization ng US Food and Drugs ang Novavax’s COVID-19 shot para magamit sa mga taong edad 18 pataas.
Dahil dito, mayroong bagong option ang mga adults sa America na hindi pa nababakunahan ng anti-COVID-19.
Sinabi ni FDA Commissioner Robert Califf na pumasa sa safety standards, effectiveness at manufacturing quality ang Novavax vaccine.
Ang Novavax ay produced din ng American company at ginagamit na sa maraming mga bansa maliban sa America.
Lumabas sa pag-aaral sa libu-libong tao sa US at Mexico na 90% na epektibo ang Novavax laban sa symptomatic cases ng COVID-19.