Lolo, tinaga- patay sa Quezon Palawan

Patay ang isang 65 anyos na lolo matapos na maagaw sa kanyang ang dala nitong itak nitong Lunes (July 11, 2022) ng gabi sa Sitio Tigbatas, Brgy. Quinlogan, Quezon, Palawan.

Kinilala ang namatay na si  Lito Castro alyas “Lit Bulag”, walang asawa habang kinilala ang nakataga rito na si Melchor Habagat Alipoon, 22 anyos, binata na pawang mga residente rin sa nabanggit na lugar.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Lumabas sa imbestigasyon ng Quezon Municipal Police Station, habang pauwi na si Alipoon galing sa pangunguha ng mga shells ay bigla na lamang hinarangan ito ni Castro at biglang hinampas ng kahoy sa ulo.

Nagkaroon nang komusyon ang dalawa hanggang sa maagaw Alipoon ang itak at naitaga sa bahagi ng leeg ni Castro na naging dahilan ng kamatayan nito.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Dahil sa takot ay agad umanong tumakas sa lugar ang nakapatay.

Samantala, napag-alaman ng mga awtoridad na matagal ng may mental disorder o mayroong problema sa pag-iisip si Lito Castro, simula pa nang tumungo ito sa nasabing lugar noon pang 1975 at wala ring mga kamag anak sa muninisipyo.