Nag-umpisa nang humarap ang mga appointees ni Pangulong Bongbong Marcos sa makapangyarihang Commission on Appointments.
Naaprubahan ang appointment ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel ‘Babes’ Romualdez; pati na rin ang appointment ni Permanent Representative of the Philippines to the United Nations Antonio Manuel Lagdameo.
Si Romualdez na pisnan ng Pangulo ay nag-umpisa na rin bilang Philippine Ambassador to the US sa ilalim ng Duterte administration.
Siya rin ang mayroong hurisdiksyon sa iba pang mga estado gaya ng Commonwealth of Jamaica, Haiti, Trinidad and Tobago, Antigua and Barbuda, the Bahamas, Barbados, Dominic, the Federation of Saint Kitts and Nevis, Saint Vincent and Grenadines, at Saint Lucia.
Samantala, si Lagdameo naman na ama ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo ay una na ring naging Ambassdor to the United Kingdom.
Na-defer naman ng panel ang ad interim appointment ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Sinuspinde ang hearing ng makapangyarihang kumite dahil sa kakulangan ng oras.
Bago pa man italaga ni Marcos bilang Kalihim ng DFA, una na rin itong naging representative ng Manila sa UN; at naging acting DFA Secretary matapos ma-reject ang appointment ng namayapang si Perfecto Yasay Jr.
