NBI sinimulan na ang imbestigasyon sa umano’y forgery ng pirma ni Pangulong Marcos

Kinumpirma ng Palasyo na lumarga na ang imbestigasyon sa dokumento kung saan ay mayroong itinalagang Immigration Commissioner si Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kinumpirma sa kanya ni Justice Secretary Boying Remulla na nag-umpisa na ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa insidente.

Read More:  Cayetano confirms vehicle used by Bato to return to Senate

Una nang sinabi ni Angeles na mahahatulan ng reclusion temporal o katumbas ng 12 hanggang 20 pagkakakulong ang nasa likod nito dahil sa pag-forge ng seal ng gobyerno, pati na rin ang pirma’t seal ng Pangulo.

Read More:  5 senators urge Bato to face ICC without Senate cover

Samantala, sa pulong balitaan naman sa Palasyo, sinabi ni Philippine National Police chief Rodolfo Azurin Jr. na mayroon nang ‘breakthrough’ sa kanilang imbestigasyon.

Natukoy na raw nila kung sino ang nag-post ng naturang BI Commissioner appointment.