Planong pagpapalit ng slogan na ‘It’s More Fun in the Philippines’ dinepensahan ng DOT

Kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco na binabalak na ng kanilang tanggapan na bahugin na ang slogan ng Pilipinas na ‘It’s More Fun in the Philippines’.

Sa pagharap nito sa budget deliberation ng DOT sa House Committee on Appropriations, sianbi ng Kalihim na under-review na ang slogan ng bansa.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Taong 2012 pa nang ilunsad ang naturang tourisim campaign at isang dekada nang hindi napapalitan.

Giit ni Frasco, nag-iisip na sila ng bagong slogan na siyang kumakatawan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Giit nito, kailangang magakroon ng bagong slogan na siyang kumikilala sa cultural strength at identity ng Filipino Brand.