NAGA CITY –Bumisita sa Naga City ang representante ng US Embassy na si US Consul Deputy Chief Michael Leach noong isang araw at napag-usapan ang pagpapatupad ng American Liaison Network o ALN sa lungsod.
Sa pahayag ni City Social Welfare and Development Officer (CSWDO) Annabelle Vargas sa Brigada News FM Naga, sinabi nito hangad ng US government na matugunan ang anumang problema ng mga citizens nila na naninirahan sa lungsod sa pamamagitan ng programang ito na kung saan bubuo ang embahada ng Citizen Liaison Volunteer na siyang maglalabas ng impormasyon at magbibigay ng emergency services sa mga US Citizens.
Anya’y maraming mga taga Naga City ang green card holder o kaya dual citizens na siyang mabebenipisyuhan ng programang ito sakaling magka problema at mabiktima ng panloloko tulad ng scam at iba pang krimen.