DA, natapos na ang imbestigasyon sa mga imported na kambing sa Marinduque na apektado ng Q fever

Nakumpleto na ng Department of Agriculture (DA) ang imbestigasyon sa pagpasok ng mga imported na kambing mula sa United States, na natuklasang apektado ng Q fever.

Natuklasan na ang ilang kambing sa farm ay may “isyu” na at nagpositibo sa Q fever noong December 29, 2023, bago sila dinala sa Pilipinas.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Napag-alaman din na sa halip na in-person inspection ang ginawa ng selection committee para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga kambing ay isinagawa ang inspeksyon sa pamamagitan ng video call.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, ilalabas ang pinal na resulta ng imbestigasyon bago matapos ang linggong ito at tiniyak na mananagot ang mga mapapatunayang nagpabaya.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Samantala, pito pang cattle na hinihinalang apektado ng Q fever ang pinatay ng mga awtoridad sa Brgy. Napo, Santa Cruz sa Marinduque upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing zoonotic disease.

Ang mga ito ay bahagi ng initial depopulation na ginawa ng gobyerno matapos makumpirma ang kaso ng naturang sakit sa mga imported na kambing sa Marinduque.