Miss England finalist, kauna-unahan sa pageant history na magko-compete nang walang makeup

Pasok sa finals ang 22-anyos na politics student na si Melisa Raouf sa Miss England, at gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang contestant na magko-compete nang walang makeup.

Mababatid na una nang naglunsad ang mga organizers ng makeup-free modeling round noong 2019, kung saan kailangang ipost ng mga contestants ang kanilang bare-faced selfie sa social media.

Pero sa Melisa, ang kauna-unahang kandidata sa kasaysayan na mgapu-fully compete nang walang gamit na kahit anung cosmetics.

Ayon sa London native beaty queen, na nais umano niyang hamunin ang beauty standards at ipromote ang totoong ganda mula sa loob.

Giit nito, mahalaga ito para sa kanya, dahil maraming kababaihan ngayon sa iba’t-ibang edad ang nagmi-makeup dahil pressured umano silang gawin ito.

Dagdag pa nito, na kung ang isang babae ay masaya sa kanyang balat, ay hindi na umano kailangan na tabunan pa ito ng makeup, dahil ang bawat flaws ang nagdadala sa bawat indibidwal na maging unique.

Kamasa ang 40 iba pang queens, si Melisa ay magko-compete para sa Miss England title, kung saan ang coronation ay mangyayari sa Oktubre.