Unemployement Rate sa Bicol posibleng tumaas sa pagtatapos ng school year-PSA

May posibilidad na tumaas bilang ng Unemployment rate sa Bicol Region oras na hindi mapasama sa unang quarter sa taong 2021.

Ayon kay Regional Director Cynthia Perdiz ng Philippine Statistics of Authority (PSA) ng nasabing rehiyon, posibleng madagdagan ang bilang ng Unemployment rate sa rehiyon ngayon 2nd quarter sa taong 2021 dahil sa marami ang magtatapos sa kolehiyo ngayon buwang ng Hunyo or Hulyo.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Aniya, inaasahan din na marami ang maghahanap ng trabaho subalit karamihan dito ay maaari umanong mabakante dahil sa may mga negosyo na sarado o di pa tumatanggap na applikante sa kadahilanan na rin apektado sa pandemya.

Dahil dito may mga alternatibo na rin na ginagawang hakbang ang gobyerno sa pamamagitan ng mga programa na ibinibigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensya para magkaroon ng trabaho ang mga magtatapos sa kolehiyo.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Base sa record ng tanggapan aabot sa 88.7% ang employment rate sa Bicol para sa buwan ng Enero ng kasalukuyang taon kung saan ay hindi gaano apektado ito ang Bicol Region pagdating sa unemployment rate.