Child Development Workers Week 2021, ipinagdiwang sa Batangas City

Sa pamamagitan ng tatlong araw na virtual seminar, ipinagdiwang ng lokal na pamahalaan ng Batangas City ang Child Development Workers Week 2021.

Sa temang “Child Development Worker’s ECQ: Enhanced Commitment Towards Quality Early Education Amidst the Pandemic” layunin ng pagdiriwang na patuloy na maiangat ang antas ng kaalaman ng bawat child development workers dito sa lungsod hinggil sa mga programa at batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga bata lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kaugnay nito, umabot sa 100 mga child development workers mula sa mga pampubliko at pribadong child development centers sa lungsod ang lumahok sa naturang seminar.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon kay CSWD Officer Mila Española, hindi hadlang ang nararanasang krisis sa pagpapatupad ng Early Child Care (ECC) programs ng pamahalaang lungsod.

Aniya, sa pamamagitan ng ganitong mga virtual seminar at iba pang alternative mode of learning delivery ay napapaunlad ang social at emotional capabilities ng mga day care teachers upang magampanan ang kanilang tungkulin.

Kasama rin sa mga tinalakay sa naturang seminar ay ang paghahanda sa panahon ng kalamidad at mahahalagang impormasyon tungkol sa RA 10821 o “Children’s Emergency Relief and Protection Act na tinalakay ni City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ipinunto naman ng City Health Office na bahagi rin ng seminar ang kahalagahan ng bakuna sa mga bata gayundin sa mga matatanda bilang proteksyon laban sa mga sakit.

Samantala, inihayag naman ni Mayor Beverley Dimacuha ang kanyang paghanga sa mga child development workers na nagpapakita ng tunay na dedikasyon sa pagkalinga sa mga bata sa kabila ng  mabigat ng mga responsibilidad na  kanilang ginagampanan.