Na-detect sa Pilipinas ang unang kaso ng omicron subvariant na XBB.1.16.
Batay sa latest COVID-19 biosurveillance report ng Department of Health, natukoy ang kaso sa Western Visayas.

Tinaguriang Arcturus, ang bagong COVID-19 offshoot ay isang descendent lineage ng XBB, isang recombinant ng dalawang BA.2 descendent lineage.
Sa ngayon, ang XBB.1.16 ay naiulat sa 33 mga bansa at karamihan ay naidokumento sa India.//CA