Nailikas na ang nasa 50 Pinoy na naipit sa kaguluhan sa Khartoum, Sudan.
Ayon kay Department of Foreign Affairs spokesperson Ma. Sinabi ni Teresita Daza, tutungo ang mga nailikas na Pinoy sa Aswan, Egypt na inaasahang aabutin nang mahigit isang araw ang biyahe sakay ng evacuation bus.

Lahat ng kasama sa inilikas ay pawang mga Pilipinong estudyante ng International University of Africa sa Khartoum.
Samantala, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na ang Embahada ng Pilipinas sa Egypt, na may hurisdiksyon sa Sudan, ay magbibigay ng plane ticket sa mga gustong bumalik ng Pilipinas.
Inaasahang aalis sa Khartoum ang humigit-kumulang 156 na Pilipino mula sa 696 na indibidwal na nagparehistro para sa repatriation.
Nauna nang tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na mahigpti na binabantayan ang sitwasyon ng mga Piliino sa Sudan na naiipit sa kaguluhan doon.
Ito ay sa gitna ng idineklarang 72-hour ceasefire ng mga tropa sa Sudan.//CA