Unang Flyover sa Bataan binuksan na ng DPWH

Binuksan na ng Department of Public Works and Highways at Pamahalaang Panlalawigan ang unang Flyover sa lalawigan.

Ito ay ang bagong Ala-Uli Flyover sa bayan ng Pilar matapos itong pasinayaan nakalipas na Sabado.

Ayon sa Provincial Government, ito ay isa sa mga prayoridad na proyekto na makakatulong para sa mas maayos na daloy ng trapiko at mas makasisiguro rin umano sa kaligtasan ng mga dumaraan sa intersection ng Roman Expressway.

Pinasalamatan ng Bataan ang DPWH at iba pang ahensya ng gobyerno na anging daan para maging posible ang proyekto.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DPWH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *