Unang edisyon ng DOT Regional Office V Coffee Table Book, inilunsad sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) Regional Office V ang kanilang unang edisyon ng “Coffee Table Book” sa lalawigan ng Camarines Norte na nagtatampok ng natatanging kagandahan ng Bicol.

Kasama sa mga destinasyon na ito ay ang isla ng Calaguas, gayundin ang mga heritage sites sa bayan ng Vinzons na nagpapakita ng kahalagahan ng kasaysayan at kultura ng rehiyon.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Sa likod ng proyekto ay ang pagtutulongan ng LGU Vinzons, Vinzons Municipal Tourism and Heritage Office, Vinzons Heritage Education Museum, St. Peter the Apostle Parish Church, Kagedama Agri-Beach Resort & I Love Calaguas Resort, at iba pang lokal na organisasyon.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

PHOTO COURTESY: Camarines Norte Provincial Information Office