𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗘𝗘𝗣 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗕𝗨𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜𝗞𝗧𝗔𝗗; 𝟭𝟳 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 Sugatan ang 17 na katao matapos bumaliktad ang sinasakyang pampasaheron jeep na mula sa Uma, Lubuagan at nakatakdang magtungo sa Tabuk City, Kalinga. Sa imbestigasyon ng kapulisan, bandang alas 5:20 kaninang umaga nang makarating ang pampasaheroing Jeep sa bahagi ng Sitio Balangabang, Barangay Dangoy kung saan dito na nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber matapos magka-aberya sa preno ng jeep. Napag-alaman na sampu sa mga pasahero ang malubhang nasugatan na agad isinugod sa Kalinga Provincial Hospital habang minor injury naman ang natamo ng pitong iba pa. Sa ngayon ay inoobserbahan pa ang mga pasyente at kasalukuyan ang imbestigasyon ng pulisya
Enter
You sent
