‘Quint Committee’, binuo sa Kamara upang imbestigahan ang smuggling

In-adopt ng Kamara ang isang resolusyon na nananawagan ng malawakang pagdinig laban sa smuggling at manipulasyon sa presyo ng basic goods at essential commodities.

Batay sa adopted House Resolution 2036, bubuo ng tinatawag na “Quint Committee” na pangungunahan ng Committees on Ways and Means, Trade and Industry, Agriculture and Food, Social Services at Special Committee on Food Security para sa joint inquiry.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Layon nitong tugunan hindi lamang ang problema sa smuggling at price manipulation kundi pati na ang gutom at pagsusulong ng food and nutrition security.

Nakasaad sa aide memoire na ibinahagi ni Albay Representative Joey Salceda na ang initial hearings ay sesentro sa food security, affordability at sufficiency.

Hindi umano ito investigative kundi informative, kung saan sisikapin na makabalangkas ng policy objectives na kinabibilangan ng Murang Bigas, Murang Karne, Murang Isda at Murang Prutas at Gulay.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kapag nakumpleto na ang apat na paksa ay susunod namang hihimayin ang mga isyu ng murang pabahay, murang gamot, murang langis, murang kuryente at murang patubig.

Para maging produktibo ang mga pagdinig, inaasahang ipatatawag sa experts’ meeting ang key resource persons mula sa agriculture sector, mga ekonomista at kinatawan ng civil society organizations at think-tanks.