Unang araw ng filing ng COCs – dinagsa

Nag-umpisa na ang unang araw ng filing ng certificate of candidacies ngayong araw.

Sa Manila Hotel ang venue para sa mga tatakbo sa senatorial at party-list race habang sa mga lokal na tanggapan ng COMELEC ang paghahain ng kandidatura para sa mga tatakbo sa pagka-kongresista at iba pang lokal na posisyon.

Maagang nagsidatingan kaninang mga alas otso ng umaga ang ilang supporters ng mga kandidatong naglalayong tumakbo para sa paparating na 2025 National and Local Election.

Read More:  House lead prosecutor says Lachica may no longer need to testify

Sa kasalukuyan, iba’t ibang plataporma at pokus ang gustong tumbukin ng mga ito mula agrikultura papunta sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers at marami pang iba.

Maliban pa roon, dalawang vloggers din ang sumalang para magsalita sa harap ng media matapos ang paghahain nila ng COC, isa rito ay tumatakbo para sa senador habang ang isa naman ay para sa pagiging kongresista.

Read More:  Online gaming firm endorsed by Ivana Alawi fined P1 million by PAGCOR

Samantala, kabilang na sa mga nakapaghain ngayong araw ang re-electionist na si Senador Francis Tolentino.

Sa naging ambush interview kay COMELEC, Chairman, George Garcia tiniyak nitong maayos naman ang initial na kalagayan ng COC filing sa bansa bagamat may ilan silang mino-monitor na lugar.