Bagyong Julian – lumabas ng PAR, pero babalik din

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Julian.

Sa kabila nito, posible pa rin itong mag-recurve, at pumasok ulit sa PAR, bukas ng umaga o hapon.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 235 kilometro, kanluran ng Itbayat, Batanes.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 195 kilometro kada oras, at bugsong papalo ng hanggang 240 kilometro kada oras.

Sa 11am bulletin ng PAGASA, nakataas pa rina ng tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes, Babuyan Islands, northern portion ng Ilocos Norte, at northwestern portion ng mainland Cagayan.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Signal number 1 naman ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at northern portion ng Aurora, at northern portion of Nueva Ecija.