Registration ng 42 party-lists, kinansela ng COMELEC

Kanselado, at na-delist na ang ilang mga party-lists para sa halalan ngayong 2025.

Isinabay ng COMELECC ang pagre-release ng isang memo para rito, sa mismong unang araw ng filing ng COC.

Sa ilalim ng naturang memorandum, pinaka-kansela na ang registration ng 42 mga partylists.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Ilan sa dahilan nito ay ang kabiguan nilang makakuha ng at least 2 %ng boto para sa party-list systems sa dalawang nagdaang halalan, ‘o ‘di kaya nama’y ‘di nakasali sa halalan sa nasabing period.

Kabilang sa mga kilalang grupo na napabilang sa napa-delist ay ang Anakpawis, pati na rin ang 1-ANG Edukasyon party-list.

Kasama rin ang ‘PDDS’, ‘o ‘yung Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Sa ambush interview – sinabi ni COMELEC chairperson George Garcia na may iba raw kasing mga party na kulang-kulang ang mga ginawang proseso.

Halimbawa, ang isang political party na nagpapa-accredit bilang isang party-list ay dapat magkaroon ng sapat na petisyon, habang ang ilan ay pawang mga manifestation lamang.