UN umapela ng halos $400 milyon para sa mga biktima ng lindol sa Syria

Umapela ang United Nations para sa $397 million na tulong para sa mga biktima ng lindol sa Syria.

Sinabi ni Secretary-General Antonio Guterres , na ang malilikom na pondo ay magdadala ng life-saving relief para sa halos limang milyong Syrians.

Read More:  12 killed, at least 10 injured in Hungary bus crash

Idinagdag niya, na ang UN ay nasa huling yugto na rin ng isang katulad na apela para sa Turkey.

Nanawagan si Guterres sa mga member states na mapondohan ang pagsisikap na ito nang walang pagkaantala at tulungan ang milyun-milyong bata, kababaihan at kalalakihan na ang buhay ay nabago dahil sa tumamang lindol.

Read More:  More than 100 reported dead in Central African Republic Gold Mine collapse

Nanawagan rin ang UN Chief na payagang malayang makapag-operate ang mga itinalagang aid workers at hindi harangin sa mga rebel-controlled areas lalo na sa northwest Syria.//CA