UN naalarma sa pagdami ng kaso ng karahasan sa mga bata sa Afghanistan

Ikinabahala ng United Nations ang pag-angat ng karahasan sa mga bata sa Afghanistan kung saan umabot sa 27 na mga bata ang napatay sa loob lamang ng tatlong araw.

Ito ay bunsod ng karahasan sa pagitan ng Taliban at ng government forces.

Naitala ang mga pagpatay sa mga kabataan sa probinsiya ng Kandahar, Khost at Paktia kung saan 136 na mga bata din ang nasugatan at nasaktan

Maliban sa mga batang biktima, umabot na din sa mahigit 1,000 na sibilyan ang napatay sa karahasan sa nakalipas na mga buwan.

Ayon sa report, patuloy ang mga pagsalakay ng Taliban sa iba’t ibang lugar sa Afghanistan kung saan anim na regional capital ang nakubkob ng militanteng grupo.

Patuloy ding niri-reject ng Taliban ang international call para sa ceasefire.

Nanawagan din ang Unicef sa panig ng gobyerno at ng Taliban na masiguro ang kapakanan ng mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *