Umano’y tulak, arestado sa buy bust sa Agoncillo, Batangas

Arestado ang isang tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Banyaga, Agoncillo, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Paul John Reyes y Panganiban, 26 anyos, tubong Lemery, Batangas at residente ng Brgy. Subic Ilaya, Agoncillo, Batangas.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon sa imbestigasyon ng Agoncillo Municipal Police Station, nahuli ang suspek matapos na kumagat sa ikinasang buy bust operation ng kanilang puwersa.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Narekober mula sa suspek ang limang pakete ng pinaniniwalaang Shabu na umaabot sa timbang na 1.0 gramo at 500 pesos na marked money.

Nakakulong na ang suspek na kakaharapin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.