Mahigit 134K Fully Vaccinated na laban sa COVID-19 sa Naga City

NAGA CITY- Umabot na sa 134, 039 ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Naga City o 79.63% ng target population na 168, 323.

Ito ay batay sa tala ng Department of Health Bicol. Mas mababa ito kumpara sa Legazpi City na mahigit 160, 000 na ang fully vaccinated.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kahapon nagkaroon muli ng pagbabakuna sa 2nd dose  ng pediatric population laban sa nasabing sakit. Ngayong araw Abril 19, resume na ang booster shot para sa adult population.

Samantala, noong nagdaang Linggo o nitong Semana Santa, 3 ang COVID-19 cases sa Naga base parin sa linggohang ulat ng DOH, wala namang malala.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kung titinggan at pakikinggan ang sabi ng publiko “ayy may COVID pa palan?” , “dai na magpabakuna, mayo naman COVID”.

Ayon kay Twinkle Lorilla, National Immunization Program Nurse Coordinator ng DOH Bicol, importante paring magpabakuna upang maiwasan ang malalang kondisyon.