𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗔𝗡𝗗𝗨𝗠 𝗢𝗙 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗘𝗗 𝗠𝗜𝗟𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗥𝗠𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 Pirmado na ang Memorandum of Understanding at Contract Agreement hinggil sa konstruksyon ng feed mill at swine growing complex sa City of Ilagan kung saan suportado ito ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02.
Pinuri ni Regional Executive Director Rose Mary Aquino ang Local na Pamahalaan ng Ilagan sa inisyatibong ito at tiniyak ang pagsuporta ng kagawaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga raw materials na kakailangin sa pagpapatayo ng naturang mga gusali.
Ang mga pumirma sa konstruksiyon ng swine growing complex ay ang City of Ilagan, Charoen Pokhphand Food Phils, Inc, Lexdale Holdings Group Inc., DSFTD Golden Land Corporation at Providers Multipurpose Cooperative.
Habang pumirma naman ng kontrata sa pagtatayo ng P1.8 Billion na halaga ng feed mill ang Charoen Pokphand Foods Phils, Kasetphand Group, Sagitarian Agricultural Phils. Inc at Dragon Hatched Corporation.
Sa oras na makumpleto ang nasabing mga gusali ay malaki ang tulonbg nito sa corn-livestock integration sa buong rehiyon dos.