Umano’y kuta ng NPA sa Peñablanca,natunton ng kasundaluhan

Bago pa man sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kasundaluhan at natitirang miyembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley ay natunton na ng 502nd Infantry Brigade ang umano’y kuta ng grupo sa Sitio Lipi, Barangay Lapi, Peñablanca Cagayan.

Una nang inihayag ni DPAO Chief Army Major Rigor Pamittan na nagpapatuloy ang kanilang hot pursuit operation upang matunton ang remnant at natitirang miyembro ng KR-CV.

Aniya, madaling araw noong Biyernes ay humingi sila ng air assets mula sa Philippine Air Force matapos matagumpay na pinasabog ng mga operatiba ang itinanim na pampasabog ng makakaliwang pangkat.

Pinabulaan naman nito ang usaping mayroong nasawi na sa hanay ng kasundaluhan dahil wala aniyang naitala na casualty o nasugatan sa kanilang hanay habang inaalam pa sa panig ng KRCV.

Ang umano’y kuta ay malayo sa kabahayan kaya’t walang nangyaring paglikas sa mga residente sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *